Tagalog love poems are love poems that are written in Tagalog, a language of the Philippines. The Tagalog language represents a large part of Philippine history. Today, English is the language of many in the Philippines, but Tagalog will continue to live on in both literature and education.
Here are some examples of Tagalog love poetry, also known in the Philippines as tula sa pag–ibig, tula ng pag-ibig, or tulang pag-ibig. These words mean poem of love, love poem, or poem on love respectively.
Mapuputing kamay, malasutla’t lambot,
Kung hinahawi mo itong aking buhok,
Ang lahat ng aking dalita sa loob
Ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulakak na nangakabuka
Ang iyong daliring talulot ng ganda,
Kung nasasalat ko, O butihing sinta,
Parang ang bulakiak kahalikan ko na.
Kamay na mabait, may bulak sa lambot,
May puyo sa gitna paglikom sa loob;
Magagandang kamay na parang may gamut,
Isang daang sugat nabura sa haplos.
Parang mga ibong maputi’t mabait
Na nakakatulog sa tapat ng dibdib;
Ito’y bumubuka sa isa kong halik
At sa aking pisngi at napakatamis
Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen
Ay napababait ang kahit salarin;
Ako ay masama, nang ikaw’y giliwin,
Ay nagpakababait nang iyong haplusin.
If I still think of her today
Why didn't I tell her long ago?
I could have saved all wondering
For I'd have peace if I did know.
If I had learned of metaphors
Before I wondered about stars
Would I have written verses then
And worshipped Venus instead of Mars?
If I had found my tongue could rhyme
Would I have shown a face sans mask,
A heart unsure? But woe is me –
I'll never know, I didn't ask.
Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.
Ano't ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!
Ang awa ng langit at awa mo naman
Nagkakaisa na kaya kung so bagay?
Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na maibibigay.
Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,
Sa langit na hintin ang magiging habag?
Napalungi namang patad yaring palad,
Sa ibang suminta't gumiliw ng tapat.
Too bad, too bad for my love, ah me!
Too bad my ring fell into the sea;
If no one but you could get it for me,
I'd rather wait till the sea ebbs away!
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!
Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!
Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!
Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim. . .
Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako’y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!
Takipsilim
ng isang pusong
di magtataksil!
ang kanyang mga mata
her eyes
dalawing bituin
two stars
kumikislap-kislap
glittering / shining
sa gitna ng dilim
in the middle of darkness
Damong makahiya na munting masanggi’y
nangunguyumpis na’t buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti’t
halik ng amiha’y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho’y tutupi’t
tila na totoong lanta na’t uns’yami.
Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangi’y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.
Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanya’y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.
Matingkad na kulay ng mayuming sutlang
kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na’t agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya’ y
pinamamahayan ng ipis at tanga.
Kalapating puting may batik sa pakpak,
munting makalaya’y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.
Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay
ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay
kaning maya’t-maya at, nakamamatay!
Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...
These are all examples of Tagalog love poems for you to enjoy. The beauty of the language makes the works of these poets even more special for readers to experience.